Poem More Information: Sully Prudhomme

Sully Prudhomme (1839-1907)

Si Sully Prudhomme o Rene Francois Armand Prudhomme ay isang French poet na nabuhay noong 1839-1907. Sya ang kauna-unahang manunula na nanalo sa prestihiyosong Nobel Prize in Literature. Ngunit alam nyo ba na hindi manunula ang balak nyang profession nung una?

Nais talagang maging isang engineer ni Sully, ngunit dahil sa isang eye disease ay napilitan syang itigil ang kanyang pag-aaral. Dahil dito ay napunta si Sully sa mundo ng literature at sa pagsusulat ng tula. Ngunit bago sya maging isang kilalang manunula, napunta muna sya sa mundo ng abusgasya na sya nyang naging pangunahin hanap-buhay.

Sa kanyang pagkapanalo ng Nobel Prize ay lalong na-semento ang kanyang estado bilang isang magaling na manunula. Ang napanaluhang nyang pera sa award na ito ay ginamit nya para sa pagtulong sa mas pasibol pa lang na manunulat noon.

Narito ang isang halimbawa ng mga tulang sinulat ni Sully na sinalin sa Ingles:

In this world all the flowers wither,
The sweet songs of the birds are brief;
I dream of summers that will last
Always!

In this world the lips touch but lightly,
And no taste of sweetness remains;
I dream of a kiss that will last
Always.

In this world ev'ry man is mourning
His list friendship or his lost love;
I dream of fond lovers abiding
Always!

Narito pa ang ilan sa kanyang mga gawa:

Croquis Italiens (1866-68) [Italian Notebook]; Solitudes (1869); Impressions de la guerre (1870) [Impressions of War]; Les Destins(1872) [Destinies]; La Révolte des fleurs (1872) [Revolt of the Flowers ]; La France (1874); Les Vaines Tendresses (1875) [Vain Endearments]; La Justice (1878); and Le Bonheur (1888) [Happiness]. Les Epaves (1908) [Flotsam]

Comments

Popular posts from this blog

Paglimot

Poet Ranking (2)

Malayo