Posts

Showing posts from August 31, 2019

Araw ng mga Bayani Poem Contest 2019 Consolation Winner 1

Isa sa dalawang nanalong consolation piece para sa araw ng mga bayani poem contest ngayong taon ay nagmula sa tula ni KC Delos Santos na pinamagatang "Heneral Antonio Luna." Heneral Antonio Luna ni KC Delos Santos Pilipinong pinaglaban ating bansa Sa pag hawak ng sandata kay bihasa Tunay na magiting matapang na tao Ikaw nga ay kahanga hangang sundalo Hindi matitimbang sa oras ang laban Mahalaga ang punto't katotohanan Ngunit paano sasabak ang ating bayan? Kung sya ay di mo na masisilayan Ang kastila at mga amerikano Bansang nanakop at tayoy niloko Kung problema ay di masusulusyonan Paano na nga ang ating kalayaan Isang sundalong Heneral ang lumaban Matapang na humarap sa kasarinlan Magiting na Heneral Antonio Luna Tila bahag haring nag bigay pag asa Sumubok ipag laban ang kalayaan Ito din ang naging kamatayan Hindi mo man na tuldukan ang digmaan Heneral, ikay aming hinahangaan.

Araw ng mga Bayani Poem Contest 2019 Consolation Winner 2

Isa sa dalawang nanalong consolation piece para sa araw ng mga bayani poem contest ngayong taon ay nagmula sa tula ni Catrisha Isabelle na pinamagatang "Ang Lumaban Para sa Bayan." Ang Lumaban Para sa Bayan Panulat ni: E.C. Kung sila ba’y ‘di gumawa ng paraan, Ano na kaya ang meron dito sa Pinas? Kung iba ang ating naging nakaraan, Ano ang tatahakin ng ating landas? Mga bayaning tayo’y ipinaglaban, Kanilang ginawang pagbubuwis buhay, Ngayo’y unti-unti nang nalilimutan. Kanilang ala-ala ay tinatangay. Ang bayaning sa atin umaasa, Si Rizal na gamit ang papel at tinta, Ang bayaning mahilig namang bumasa, Si Bonifacio na gamit ang sandata. Sinalakay, binaril, pinahirapan, Tinapakan, inatake at pinatay, Mga natamo sa pakikipaglaban, Kahit na kapalit ang kanilang buhay. Kabataan ngayo’y puro kalokohan, Mga payo’t kasabiha’y ayaw sundin. Ang dapat na pag-asa ng ating bayan, Ay tila isang biro nalang sa atin.

Araw ng mga Bayani Poem Contest 2019 GRAND Winner

Ang nanalong piyesa para sa araw ng mga bayani poem contest ngayong taon ay nagmula sa tula ni James Jimenez na pinamagatang "Mga Bayani Ng Pilipinas." Mga Bayani Ng Pilipinas ni James Jimenez Napaka tahimik dati ng Pilipinas Ngunit kaguluhan satin ay pinaranas Nagsimula nitong dumating si Magellan Kasama ay marami at di lang iilan Si Lapu-lapu ang unang naging pinuno Kaya nag wagi ang samahang pilipino Di maikakailang siya ang na una Hindi siya nagawaran dahil patay na At hanggang dumating ang mga kastila Mamamayang pilipino ay inulila Lahi natin ay unti-unting pinapatay Dahil sa karapatang hindi pantay-pantay Gomburza mga paring pinutol ang ulo Pilipino'y naalarma dahil sa tatlo Noon nga'y si Rizal ay nakapag tapos na Binuo niya ang La Liga Filipina Siya nga talaga ay di nagpapadaig Inilimbag nobela sa buong daigdig Noli Me Tangere't El Filibusterismo At ang sumulat ay si Rizal nga lang mismo Noon nga'y na buo rin ang Katipunero N

Poet Ranking (4)

Poet Ranking as of September 1, 2019 1.  Arnold Barro Patega -  300 pts 2.  James Jimenez - 200 pts 3.  Ma Donna - 150 pts      John Paul Royo - 150 pts      Di A Mond - 150 pts      Venice San Gabriel - 150 pts      KC Delos Santos - 150 pts      Catrisha Isabelle - 150 pts 4.  Jon Lester Almario Alda - 100 pts      Angel Dc - 100 pts      Ash Ketcham - 100 pts      Ariel Delos Santos - 100 pts 5.  Guy Genesis Ubay - 50 pts      Josefel Bescoro - 50 pts      Pamela Akol - 50 pts      Sheng Castro - 50 pts      Rexandre Buenavista - 50 pts