Araw ng mga Bayani Poem Contest 2019 GRAND Winner
Ang nanalong piyesa para sa araw ng mga bayani poem contest ngayong taon ay nagmula sa tula ni James Jimenez na pinamagatang "Mga Bayani Ng Pilipinas."
Mga Bayani Ng Pilipinas
ni James Jimenez
Napaka tahimik dati ng Pilipinas
Ngunit kaguluhan satin ay pinaranas
Nagsimula nitong dumating si Magellan
Kasama ay marami at di lang iilan
Si Lapu-lapu ang unang naging pinuno
Kaya nag wagi ang samahang pilipino
Di maikakailang siya ang na una
Hindi siya nagawaran dahil patay na
At hanggang dumating ang mga kastila
Mamamayang pilipino ay inulila
Lahi natin ay unti-unting pinapatay
Dahil sa karapatang hindi pantay-pantay
Gomburza mga paring pinutol ang ulo
Pilipino'y naalarma dahil sa tatlo
Noon nga'y si Rizal ay nakapag tapos na
Binuo niya ang La Liga Filipina
Siya nga talaga ay di nagpapadaig
Inilimbag nobela sa buong daigdig
Noli Me Tangere't El Filibusterismo
At ang sumulat ay si Rizal nga lang mismo
Noon nga'y na buo rin ang Katipunero
Na pinangunahan ng Pilipinong puro
Andres Bonifacio tinawag na supremo
Amang katipunerong ipagmamalaki mo
Labing walong raan at siyamnapo't dal'wa
Hinuli si Rizal at ginawang kawawa
Si Rizal ay ipinatapon sa Dapitan
Na iniutos ng malupit na kapitan
At noon nga'y sumiklab na ang himagsikan
Nang katipunerong may dalang pangsaksakan
Melchura Aquino'y tumulong sa sugatan
Sa kaniya pinunta mga nasasaktan
At sa pag dating ng mga Amerikano
Muling nag katipun-tipun ang Pilipino
Pinangunahan ng presidenteng na una
Kasama ang matapang na Heneral Luna
Kasama rin si Apolinario Mabini
Ang polyong naging utak at naging bayani
Mga buhay ng bayani ay itinaya
Sa labanan kaya tayo ay nakalaya
Si Rizal ang hinirang na bayaning pambansa
Dahil sa kaniyang sulat na ipinabasa
Dalawang nobela ang kaniyang isinulat
Nang sa buong mundo ay kaniyang maulat
Kaniyang nobelang madaan lang sa titig
Malaman na agad na may ipinahiwatig
Si Rizal din ay binaril sa Bagumbayan
Sa dahilang pag tulong sating bayan
Mula sa panahon na tayo ay nakagapos
Paghihirap ng bansa'y kanilang tinapos
Ngunit pangalan nilay hindi malalaos
Lahat tayo ay pwede ring maging bayani
Bata, matanda, ginoo o binibini
Mga yumaong bayani ating tularan
Handa ring mamatay kung kinakailangan
Mga Bayani Ng Pilipinas
ni James Jimenez
Napaka tahimik dati ng Pilipinas
Ngunit kaguluhan satin ay pinaranas
Nagsimula nitong dumating si Magellan
Kasama ay marami at di lang iilan
Si Lapu-lapu ang unang naging pinuno
Kaya nag wagi ang samahang pilipino
Di maikakailang siya ang na una
Hindi siya nagawaran dahil patay na
At hanggang dumating ang mga kastila
Mamamayang pilipino ay inulila
Lahi natin ay unti-unting pinapatay
Dahil sa karapatang hindi pantay-pantay
Gomburza mga paring pinutol ang ulo
Pilipino'y naalarma dahil sa tatlo
Noon nga'y si Rizal ay nakapag tapos na
Binuo niya ang La Liga Filipina
Siya nga talaga ay di nagpapadaig
Inilimbag nobela sa buong daigdig
Noli Me Tangere't El Filibusterismo
At ang sumulat ay si Rizal nga lang mismo
Noon nga'y na buo rin ang Katipunero
Na pinangunahan ng Pilipinong puro
Andres Bonifacio tinawag na supremo
Amang katipunerong ipagmamalaki mo
Labing walong raan at siyamnapo't dal'wa
Hinuli si Rizal at ginawang kawawa
Si Rizal ay ipinatapon sa Dapitan
Na iniutos ng malupit na kapitan
At noon nga'y sumiklab na ang himagsikan
Nang katipunerong may dalang pangsaksakan
Melchura Aquino'y tumulong sa sugatan
Sa kaniya pinunta mga nasasaktan
At sa pag dating ng mga Amerikano
Muling nag katipun-tipun ang Pilipino
Pinangunahan ng presidenteng na una
Kasama ang matapang na Heneral Luna
Kasama rin si Apolinario Mabini
Ang polyong naging utak at naging bayani
Mga buhay ng bayani ay itinaya
Sa labanan kaya tayo ay nakalaya
Si Rizal ang hinirang na bayaning pambansa
Dahil sa kaniyang sulat na ipinabasa
Dalawang nobela ang kaniyang isinulat
Nang sa buong mundo ay kaniyang maulat
Kaniyang nobelang madaan lang sa titig
Malaman na agad na may ipinahiwatig
Si Rizal din ay binaril sa Bagumbayan
Sa dahilang pag tulong sating bayan
Mula sa panahon na tayo ay nakagapos
Paghihirap ng bansa'y kanilang tinapos
Ngunit pangalan nilay hindi malalaos
Lahat tayo ay pwede ring maging bayani
Bata, matanda, ginoo o binibini
Mga yumaong bayani ating tularan
Handa ring mamatay kung kinakailangan
Comments
Post a Comment