Posts

Showing posts from November 14, 2019

Artist Space: Miguel Makilan

Image
Poem Discography: 1.  Paglimot 2.  Di Kagustohan

Di Kagustohan

Ako ay kanyang pinaglaban, Hindi alam kung hanggang saan, Pagsasama na walang sawaan, At kasayahang walang katapusan. Lihim na pagmamahalan, Ay aking iniingatan, Di maisigaw sa sanlibutan, Na syay aking kasintahan. Gusto nya na aminin ko sa aking pamilya, Upang pagmamahalan namin maging legal na, Ngunit hindi ko kaya, Baka pagbawalan ako na mahalin sya. Di kita mapagmalaki sa magulang ko, Problemang, ayaw na ayaw mo, Di ko alam kung tatagal pa tayo, Hawak kamay sana na harapin ito. Di ko naman dapat pagsigawan, Na syay kasintahan, Basta alam nya lng aking nararamdaman, Sapat na siguro yon para akoy ingatan. Problema namin ay lumala, Nung kami ay minsan nlang magkita, Di mawala sa isipan ko, Na syay maghanap ng bago. Oo nga! Nakahanap sya, Isang dalagang pilipina, Handang pagmalaki, Ipanaglaban kahit sa social media. Nang nalaman ko ito, Isip at puso'y nalilito, Di ko makuha ang iyong punto, Bat akoy pinagpalit mo? Gusto na sana kitang hiwalay

Paglimot

Nakaapak sa iisang mundo, Pinagtagpo ngunit di naging tayo, Pangmadaliang saya ay dinanas ko, Pangmatagalang sakit ang dulot mo, Sa makulimlim na araw, Luhay umaapaw, Sa pag iyak ay di makagalaw, Sarili ay naliligaw, Gusto ko ng mag move on, Ngunit ikaw ang nsa isip kda lingon, Hindi ako mahinahon, Bakit di kita malimot ng ganon ganon, Ngunit tama na sigurong pakawalan ka, Kahit masakit palalayain ka, Pagod na rin akong maging tanga, Sana maging masaya ka sa kanya. Sa panulat ni: Miguel Makilan