Di Kagustohan

Ako ay kanyang pinaglaban,
Hindi alam kung hanggang saan,
Pagsasama na walang sawaan,
At kasayahang walang katapusan.

Lihim na pagmamahalan,
Ay aking iniingatan,
Di maisigaw sa sanlibutan,
Na syay aking kasintahan.

Gusto nya na aminin ko sa aking pamilya,
Upang pagmamahalan namin maging legal na,
Ngunit hindi ko kaya,
Baka pagbawalan ako na mahalin sya.

Di kita mapagmalaki sa magulang ko,
Problemang, ayaw na ayaw mo,
Di ko alam kung tatagal pa tayo,
Hawak kamay sana na harapin ito.

Di ko naman dapat pagsigawan,
Na syay kasintahan,
Basta alam nya lng aking nararamdaman,
Sapat na siguro yon para akoy ingatan.

Problema namin ay lumala,
Nung kami ay minsan nlang magkita,
Di mawala sa isipan ko,
Na syay maghanap ng bago.

Oo nga! Nakahanap sya,
Isang dalagang pilipina,
Handang pagmalaki,
Ipanaglaban kahit sa social media.

Nang nalaman ko ito,
Isip at puso'y nalilito,
Di ko makuha ang iyong punto,
Bat akoy pinagpalit mo?

Gusto na sana kitang hiwalayan,
Dahil sa nagawa mong kasalanan,
Ikaw ay humingi ng kapatawaran,
Kaya ikaw ay pinagbigyan,

Martir man kung tawagin,
Basta ito ang tibok ng damdamin,
Ikay aking mamahalin,
Saksi pa ang mga bituin.


Sa panulat ni: Miguel Makilan

Comments

Popular posts from this blog

Paglimot

PAIRED BETWEEN SPACES