Paglimot

Nakaapak sa iisang mundo,
Pinagtagpo ngunit di naging tayo,
Pangmadaliang saya ay dinanas ko,
Pangmatagalang sakit ang dulot mo,

Sa makulimlim na araw,
Luhay umaapaw,
Sa pag iyak ay di makagalaw,
Sarili ay naliligaw,

Gusto ko ng mag move on,
Ngunit ikaw ang nsa isip kda lingon,
Hindi ako mahinahon,
Bakit di kita malimot ng ganon ganon,

Ngunit tama na sigurong pakawalan ka,
Kahit masakit palalayain ka,
Pagod na rin akong maging tanga,
Sana maging masaya ka sa kanya.


Sa panulat ni: Miguel Makilan

Comments

Popular posts from this blog

Poet Ranking (2)