Araw ng mga Bayani Poem Contest 2019 Consolation Winner 2

Isa sa dalawang nanalong consolation piece para sa araw ng mga bayani poem contest ngayong taon ay nagmula sa tula ni Catrisha Isabelle na pinamagatang "Ang Lumaban Para sa Bayan."

Ang Lumaban Para sa Bayan
Panulat ni: E.C.

Kung sila ba’y ‘di gumawa ng paraan,
Ano na kaya ang meron dito sa Pinas?
Kung iba ang ating naging nakaraan,
Ano ang tatahakin ng ating landas?

Mga bayaning tayo’y ipinaglaban,
Kanilang ginawang pagbubuwis buhay,
Ngayo’y unti-unti nang nalilimutan.
Kanilang ala-ala ay tinatangay.

Ang bayaning sa atin umaasa,
Si Rizal na gamit ang papel at tinta,
Ang bayaning mahilig namang bumasa,
Si Bonifacio na gamit ang sandata.

Sinalakay, binaril, pinahirapan,
Tinapakan, inatake at pinatay,
Mga natamo sa pakikipaglaban,
Kahit na kapalit ang kanilang buhay.

Kabataan ngayo’y puro kalokohan,
Mga payo’t kasabiha’y ayaw sundin.
Ang dapat na pag-asa ng ating bayan,

Ay tila isang biro nalang sa atin.

Comments

Popular posts from this blog

Paglimot

Poet Ranking (2)

Malayo