Araw ng mga Bayani Poem Contest 2019 Consolation Winner 1

Isa sa dalawang nanalong consolation piece para sa araw ng mga bayani poem contest ngayong taon ay nagmula sa tula ni KC Delos Santos na pinamagatang "Heneral Antonio Luna."

Heneral Antonio Luna
ni KC Delos Santos

Pilipinong pinaglaban ating bansa
Sa pag hawak ng sandata kay bihasa
Tunay na magiting matapang na tao
Ikaw nga ay kahanga hangang sundalo

Hindi matitimbang sa oras ang laban
Mahalaga ang punto't katotohanan
Ngunit paano sasabak ang ating bayan?
Kung sya ay di mo na masisilayan

Ang kastila at mga amerikano
Bansang nanakop at tayoy niloko
Kung problema ay di masusulusyonan
Paano na nga ang ating kalayaan

Isang sundalong Heneral ang lumaban
Matapang na humarap sa kasarinlan
Magiting na Heneral Antonio Luna
Tila bahag haring nag bigay pag asa

Sumubok ipag laban ang kalayaan
Ito din ang naging kamatayan
Hindi mo man na tuldukan ang digmaan
Heneral, ikay aming hinahangaan.

Comments

Popular posts from this blog

Paglimot

Poet Ranking (2)