Ano ang Tulataan Challenge?

Ano nga ba ang Tulataan Challenge?

Sa hamon na ito, ang mga challenger ay kailangang gumawa ng isang tula na hango sa isang napagkasunduang larawan. Ang tula ay dapat meron isang saknong at apat na talutod. Halimbawa, sabihin natin na ang napagkasunduang larawan para tulataan ay:

 [The Thinker Statue sa Paris]
                                                 
Isang posibleng tula na hango rito ay ang sumusunod:

   Upuan

Malalim ang isip habang nakaupo
Kay layo na ng naabot ng imahinasyong ito
Habang lunod ang diwa'y biglang may kumatok sa pinto
"kuya bilisan mo dyan, maliligo pa ako"

Comments

Popular posts from this blog

Paglimot

PAIRED BETWEEN SPACES