ILAW
Bingi sa ingay ng buhay
Itong diwa kong lunod sa ulap ng kabataan
Para akong isang batang libang sa kanyang laruan
Habang sorbetes nya'y natutunaw sa araw
Nagtataka ka pa rin ba
Kung bakit ayaw huminto ng aking paa?
Tulad pa rin kasi ng dati ang aking mga umaga
Sa pisngi mo nga ako'y humalik pa
May sugat ka pala sa mukha
Bakit hindi ko nakita
Ang dami kasing pagpipilian dyan sa may tindahan
Sa pagbili ko nga'y pamasahe ko ay naubusan
Kaya't nagtataka ka pa ba
Kung bakit ayaw huminto ng aking paa?
Tulad pa rin kasi ng dati ang aking mga gabi
Umawit ka pa nga dito sa aking tabi
May luha ka pala sa iyong mata
Bakit hindi ko nakita
At sa pagkupas ng liwanag sa iyong lampara
Hayaan mong ako naman ang pumunas ng iyong luha
Ang syang magpahid ng gamot sa sugatan mong mukha
Na kahit hindi ko sila nakita
Init ng ilaw mo naman ay nadama
Kay ganda pala ng iyong mga mata
Bakit ngayon ko lang nakita
Sa Panulat ni: Alvin Aragon
https://tulangpilipino.blogspot.com/2019/10/artist-space-alvin-aragon.html

Comments
Post a Comment