Posts

Malayo

Ang mga ngiti mo'y aking aangkinin Kunwari sa'kin kahit sa iba nakatingin Yayakapin na lang kita sa hangin Dahil ako ay 'di mo naman pipiliin Wala na siguro akong magagawa pa Kundi ipanalangin na sana Pagtagpuin ang ating mga landas Na masabi sayong "Mahal kita hanggang wakas." Sa panulat ni:   Mafe Babida

Artist Space: Miguel Makilan

Image
Poem Discography: 1.  Paglimot 2.  Di Kagustohan

Di Kagustohan

Ako ay kanyang pinaglaban, Hindi alam kung hanggang saan, Pagsasama na walang sawaan, At kasayahang walang katapusan. Lihim na pagmamahalan, Ay aking iniingatan, Di maisigaw sa sanlibutan, Na syay aking kasintahan. Gusto nya na aminin ko sa aking pamilya, Upang pagmamahalan namin maging legal na, Ngunit hindi ko kaya, Baka pagbawalan ako na mahalin sya. Di kita mapagmalaki sa magulang ko, Problemang, ayaw na ayaw mo, Di ko alam kung tatagal pa tayo, Hawak kamay sana na harapin ito. Di ko naman dapat pagsigawan, Na syay kasintahan, Basta alam nya lng aking nararamdaman, Sapat na siguro yon para akoy ingatan. Problema namin ay lumala, Nung kami ay minsan nlang magkita, Di mawala sa isipan ko, Na syay maghanap ng bago. Oo nga! Nakahanap sya, Isang dalagang pilipina, Handang pagmalaki, Ipanaglaban kahit sa social media. Nang nalaman ko ito, Isip at puso'y nalilito, Di ko makuha ang iyong punto, Bat akoy pinagpalit mo? Gusto na sana kitang hiwalay

Paglimot

Nakaapak sa iisang mundo, Pinagtagpo ngunit di naging tayo, Pangmadaliang saya ay dinanas ko, Pangmatagalang sakit ang dulot mo, Sa makulimlim na araw, Luhay umaapaw, Sa pag iyak ay di makagalaw, Sarili ay naliligaw, Gusto ko ng mag move on, Ngunit ikaw ang nsa isip kda lingon, Hindi ako mahinahon, Bakit di kita malimot ng ganon ganon, Ngunit tama na sigurong pakawalan ka, Kahit masakit palalayain ka, Pagod na rin akong maging tanga, Sana maging masaya ka sa kanya. Sa panulat ni: Miguel Makilan

PAIRED BETWEEN SPACES

I'm drowning helplessly in a sea of clouds I'm trying to reach your hands But these weights keep pulling me down The ripples I made try tp create their sounds But the space is too loud for anyone to hear it out A bubble is taking me away from you But now that the light is passing out I'm letting you know what's inside I feel like a thirsty traveler chained on a tree And you're a glass of water sitting beside me I'm like an empty bottle and you're a wine But I know there is no way you could fill me up inside A bus is taking me away from you But now that the light is passing out I'm letting you know what's inside Cause you're a masterpiece by some others hand And I'm a lonely artist wishing I'm the one who shapes you up Let this gravity takes me away from you But now that the light is passing out I will blink the words in the sky To let you know what's there inside I will blink the words in the sky To let yo

ILAW

Bingi sa ingay ng buhay Itong diwa kong lunod sa ulap ng kabataan Para akong isang batang libang sa kanyang laruan Habang sorbetes nya'y natutunaw sa araw Nagtataka ka pa rin ba Kung bakit ayaw huminto ng aking paa? Tulad pa rin kasi ng dati ang aking mga umaga Sa pisngi mo nga ako'y humalik pa May sugat ka pala sa mukha Bakit hindi ko nakita Ang dami kasing pagpipilian dyan sa may tindahan Sa pagbili ko nga'y pamasahe ko ay naubusan Kaya't nagtataka ka pa ba Kung bakit ayaw huminto ng aking paa? Tulad pa rin kasi ng dati ang aking mga gabi Umawit ka pa nga dito sa aking tabi May luha ka pala sa iyong mata Bakit hindi ko nakita At sa pagkupas ng liwanag sa iyong lampara Hayaan mong ako naman ang pumunas ng iyong luha Ang syang magpahid ng gamot sa sugatan mong mukha Na kahit hindi ko sila nakita Init ng ilaw mo naman ay nadama Kay ganda pala ng iyong mga mata Bakit ngayon ko lang nakita Sa Panulat ni: Alvin Aragon https://tulangpilipino.bl